Baliwag City, nagsagawa ng seminar para sa mga negosyanteng Baliwagenyo
Baliwag City, nagsagawa ng seminar para sa mga negosyanteng Baliwagenyo

Umabot sa 54 Baliwagenyo business owners ang nakiisa sa Technical and Advisory Services for Micro, Small and Medium Enterprises (MSMEs) na inorganisa ng Department of Labor and Employment (DOLE) Bulacan Field Office, katuwang ang Pamahalaang Lungsod ng Baliwag, sa pamamagitan ng Public Employment Service Office (PESO), noong Setyembre 26, sa Conference Hall.

Nagbigay ng paunang pagbati si PESO Manager Jennelyn Marcelo-Sabangan sa mga dumalo. Pinangunahan naman ni Senior Labor and Employment Officer Hannibal Jose Capili ang talakayan kung saan ipinaliwanag niya ang mga karapatan ng mga negosyante at kanilang mga empleyado, gayundin ang mga pamantayan sa paggawa at tamang pamamahala ng workforce.

Layunin ng programang ito na bigyan ng sapat na kaalaman ang mga business owners upang maipatupad nang maayos ang pamamalakad sa kanilang mga negosyo, partikular ang wastong pagpapasahod at ang pagkilala sa karapatan ng kanilang mga manggagawa.

Patuloy na pinapalakas ng Pamahalaang Lungsod ng Baliwag, sa pangunguna ni Mayor Ferdie V. Estrella, ang suporta sa mga Baliwagenyong nais mag-negosyo at sa mga kasalukuyang negosyante. Patunay dito ang sunod-sunod na parangal na natatanggap ng lungsod kabilang ang pagiging business-friendly and competitiveness.

#BaliwagCity

#BaliwagTrabahoNegosyoKabuhayan

#SerbisyongMayMalasakit