Opisyal nang nagsimula ngayong Oktubre 1, ang paghahain ng Certificate of Candidacy (COC) para sa mga nagnanais tumakbo sa national at local positions sa darating na May 12, 2025 National and Local Election. Ito ay gaganapin sa Baliwag City Office of the Election Officer.
Ang mga kandidato, o ang kanilang authorized representative, ay maaaring magpasa ng COC mula Oktubre 1 hanggang Oktubre 8. Bukas ang opisina ng Comelec, kabilang ang mga araw ng Sabado at Linggo, mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.
Ang mga nasabing petsa ay siya ring itinakdang deadline para sa withdrawal o substitusyon ng kandidato. Pinapayagan ang substitusyon ng kandidato hanggang tanghali ng araw ng eleksyon sa May 12, 2025, ngunit ito ay maaari lamang gawin kung ang kandidato ay pumanaw o nadiskwalipika.
Bukod dito, ang sinumang mag-substitute ay dapat kapareho ng apelyido ng orihinal na kandidato, kahit hindi magkamag-anak, at miyembro ng parehong political party. Hindi pinapayagan ang substitusyon para sa mga independent candidate.
Dagdag pa ng Comelec, maaari nang ipasa ang COC form matapos itong sumpaan o ipa-notaryo at malagyan ng P30.00 documentary stamp. Dapat ding siguraduhin ng aspirant na lahat ng item sa harap at likod ng COC form ay nasagutan at nalagyan ng N.A. kung hindi naman naaangkop sa kanila.
#BaliwagCity
#Election2025