Patuloy na hinihikayat ng Pamahalaang Lungsod ng Baliwag ang mga hindi pa rehistradong botante na samantalahin ang natitirang mga araw ng voter’s registration para sa 2025 National and Local Elections, bago ang itinakdang huling araw nito sa Lunes, Setyembre 30, 2024.

Ipinababatid din ng Baliwag City Commission on Elections (COMELEC) na ang voters registration at pagbibigay ng voter’s certification ay isinasagawa na sa SM City Baliwag, malapit sa Dakasi at World of Fun. Bukas ang serbisyo mula Lunes hanggang Sabado, sa oras na 8:00 AM hanggang 5:00 PM.

Ang hakbang na ito ay bahagi ng pagsisikap ng Pamahalaang Lungsod na gawing mas madali at accessible ang proseso ng voter’s registration at pagkuha ng voter’s certification. Pinaalalahanan din ang publiko na magdala ng mga kinakailangang dokumento tulad ng valid ID upang masiguro ang mabilis at maayos na proseso.

#BaliwagCity

#Eleksyon2025