Hinihikayat ng Pamahalaang Lungsod ng Baliwag ang bawat Baliwagenyo na makiisa at magpatala sa gaganaping 2024 Census of Population and Community-Based Monitoring System (2024 POPCEN-CBMS), ngayong darating na Lunes, ika-15 ng Hulyo.
Layon ng POPCEN-CBMS na kumalap ng tamang datos ng mga Baliwagenyo at i-update ang listahan ng mga benepisyaryo ng social protection programs gayundin upang makagawa ng mga plano at programa para sa ekonomiya, edukasyon, kalusugan, at iba pang sektor ng lipunan.
Sa pakikipagtulungan ni City Mayor Ferdie V. Estrella at Philippine Statistics Authority (PSA), inaasahan na ang hakbang na ito ay magsisilbing gabay sa Pamahalaang Lungsod na alamin ang mga tunay na pangangailangan ng bawat Baliwagenyo. Ang lahat ng mamamayan ay muling pinaaalalahanan na makibahagi at magbigay ng tamang impormasyon upang maging matagumpay ang proyektong ito.
Ang POPCEN-CBMS ay tatagal simula July 15 hanggang September 16, 2024.
#BaliwagCity
#BaliwagCBMS2024