37 Government Interns, magsisimula nang magtrabaho sa Pamahalaang Lungsod ng Baliwag
37 Government Interns, magsisimula nang magtrabaho sa Pamahalaang Lungsod ng Baliwag

Handa na ang 37 government interns na gampanan ang kani-kaniyang tungkulin matapos nilang sumailalim sa isinagawang Government Internship Program (GIP) orientation, noong ika-3 ng Hulyo, sa Baliwag Business Center.

Ibinahagi ni DOLE Provincial Director Leilani Reynoso, ang mga mahahalagang paksang may kinalaman sa kanilang tungkulin at gampanin. Hinikayat din niya ang mga ito na sulitin ang pagkakataong matuto at paunlarin ang kanilang kakayahan sa pamamagitan ng programa.

Lubos ang pagsuporta ng Pamahalaang Lungsod, sa pangunguna ni Mayor Ferdie V. Estrella, sa programang ito na malaking tulong para sa mga kabataan lalong lalo na sa mga fresh graduates at sa mga nagnanais na pumasok sa gobyerno at serbisyo publiko.

Samantala, nakatakda namang magsimula ang government interns sa kani-kaniyang mga itinalagang departamento sa Pamahalaang Lungsod ng Baliwag ngayong buwan ng Hulyo, at inaasahang magtatagal ito sa loob ng anim na buwan.

Ang GIP orientation na ito ay isinakatuparan sa pamamagitan ng Baliwag City Public Employment Office (PESO), sa kanilang kooperasyon sa DOLE, at pakikipagtulungan ni Bulacan 2nd District Congw. Tina Pancho.

#BaliwagCity

#BaliwagGIP