Tuloy tuloy pa rin ang pagtanggap ng Baliwag Child Development Center para sa Baliwagenyo Kids na gustong pumasok o mag aral sa ilalim ng Early Childhood Care and Development Program sa lungsod ng Baliwag.

Para sa mga magulang o guardian ng nagnanais iparehistro ang kanilang mga chikitings na may edad 3 taon hanggang 4 na taon at 11 buwang gulang, Dalhin lamang ang birth certificate, health/Immunization Record at dalawvang 2×2 ID pictures at pumunta sa Child Developmet Center— Baliwag

Ang programang ito ay naglalayong mabigyan ang mga batang nasa wastong edad ng magandang pundasyon para sa hinaharap na pagaaral at social development para sila’y maging handa pagtungtong ng kindergarten. Ito ay isang magandang oportunidad para sa mga pamilya na nais magkaroon ng maayos na child care at edukasyon para sa kanilang mga anak.

#BaliwagCity

#BaliwagECCD