Nagbukas na ang pinto ng kauna-unahang Musikapistahan sa Baliwag City para sa lahat ng mga interesadong choral group na naka-base sa lalawigan ng Bulacan. Ito na ang pagkakataong iparinig ang inyong kahanga-hangang tinig at tanghaling kampeon.
Ang kompetisyon ay bukas para sa Bulacan-based mixed (SATB) choirs na may atleast 1 year ng paglilingkod, paglahok, o pagtatanghal sa simbahan, paaralan, o komunidad. Bawat choir ay dapat mayroong 16 hanggang 30 mang-aawit na hindi bababa sa 15 taong gulang. Ang singers at conductors ay maaaring mag-perform sa iisang competing choir lamang.
Narito ang mga sumusunod na gabay para sa mga nais sumali:
- Duly accomplished applicationgamit ang link na ito: https://docs.google.com/…/1FAIpQLScIVhBc…/viewform
- Video recording ng isang acapella song ng anumang genre na kinuhanan sa loob ng huling anim na buwan;
- Ang video ay dapat nasa mp4 format, landscape orientation, at walang post-production editing;
- PDF copy ng kinanta sa video (only legally purchased/acquired music may be used for the audition);
- Ang deadline para sa pagpasa ng aplikasyon ay Hulyo 10, 2024, 12:00AM.
Ang lahat ng eligible applications ay sasailalim sa isang masusing pagre-review ng panel of competent and respected musicians and choristers kung saan walo ang pipiliing finalists na lalahok sa finals ng kumpetisyon sa ika-14 ng Setyembre, na gaganapin sa Baliwag Star Arena. Ang finalists ay bibigyan ng pagkakataong ipakita ang kanilang galing sa pamamagitan ng 2 acapella songs: isang Filipino folk/ethnic composition at isang free-choice selection mula sa anumang genre.
Finals scoring system criteria:
- 30% Voice/Sound Quality (choral blend, tone, balance)
- 30% Precision (intonation, timing, diction, loyalty to the score)
- 30% Musicality (dynamics, harmony, rhythm, interpretation)
- 10% Stage Presence and Deportment
Prizes/ Awards:
- CHAMPION: Php 50,000 + trophy
- 1st Place: Php 30,000 + trophy
- 2nd Place: Php 20,000 + trophy
- Consolation prize of Php 5,000
Para sa iba pang katanungan at updates, mag-send lamang ng inyong mensahe sa Facebook account ni Mr. Itchie Montilla o Ms. Janine Vergel.