Baliwagenyos, may passport na ba kayo? Mas pinadali na ang pag-apply ng passport sa tulong ng Baliwag High FVE Bilis Pasaporte!

Para sa lahat ng Baliwagenyo na nagnanais mag-apply ng kanilang passport, mangyaring magtungo at magpatala sa naka-schedule na High FVE Caravan sa inyong mga Barangay.

Sa tulong ng Baliwag Bilis Pasaporte, sagot na natin ang assistance sa inyong passport application, kami na rin ang bahala hatid at sundo patungong DFA Consular Office – Malolos.

Ang Baliwag Bilis Pasaporte ay isa sa mga bagong programa na handog ni Mayor Ferdie para sa Year 7 ng High FVE sa Barangay: Serbisyong may Malasakit Caravan.

#BaliwagCity

#BaliwagCityBilisPasaporte