Baliwagenyos, gusto mo bang magpa-check ng iyong kalusugan ng libre? Punta na sa nakaschedule na High FVE Caravan sa inyong Barangay dahil mayroon nang mas pinadali at mas pinalapit na Mobile X-ray para sa inyo!

Para sa mga nais magpatingin ng kanilang kalusugan, magdala lang ng Valid ID at Brgy. Indigency at pumunta sa libreng x-ray registration booth sa araw ng High FVE Caravan sa inyong Barangay.

Ang Baliwag Mobile X-ray ay isa sa pinakabagong programa na handog ni Mayor Ferdie para sa Year 7 ng High FVE sa Barangay: Serbisyong may Malasakit Caravan.