Pinangunahan ni Baliwag City Administrator Enrique V. Tagle, kasama ang mga pinuno mula iba’t ibang departamento ng Pamahalaang Lungsod, ang ginanap na 57th Management Committee (ManCom) Meeting of 2024, upang talakayin ang mga paksang may malalimang kahalagahan sa administrasyon, noong ika-10 ng Hunyo, sa Board Room, Baliwag City Hall Compound.
Tinalakay sa pagpupulong ang Seal of Good Local Governance (SGLG) Regional Assessment Findings, sa unang taon ng paglahok ng Baliwag City bilang lungsod, kung saan ay maayos at compliant ang pamahalaan sa mga indicators ng pagsusuring ginawa ng Department of Interior and Local Government (DILG) Region 3, at masasabing handa na para sa SGLG National Validation.
Kabilang din sa mga paksang tinalakay sa pagpupulong ay ang Pending Infrastructure Projects, Visit of the Relic, at ang Creation of Public Order and Service Office (POSO) na kinapapalooban ng Policy on Security at Parking of Employees.
Ang Management Committee (ManCom) Meeting ay isinasagawa ng Pamahalaang Lungsod upang lalong paghusayin ang pamamahala at mga hakbang ng administrasyon na nagsisilbing modelo para sa ibang mga lokal na pamahalaang pinili na magsagawa ng kanilang benchmarking activities sa lungsod ng Baliwag.