Baliwag City, nagdaos ng Talakayan at Poster Making Contest sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan
Baliwag City, nagdaos ng Talakayan at Poster Making Contest sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan

Sa paggunita ng mga Araw ng Pambansang Watawat at Araw ng Kalayaan, nag-organisa ang Pamahalaang Lungsod ng Baliwag, sa pangunguna ng Museo ng Baliwag, kaisa ang Museo ni Mariano Ponce at Guhit Pinas Bulacan-Baliwag, ng isang talakayan at poster making contest noong ika-10 ng Hunyo, sa Museo ng Baliwag, Lumang Munisipyo.

Tinalakay sa nasabing programa ang Flag and Heraldic Code of the Philippines, na kilala rin bilang Republic Act No. 8491, na nagtatakda ng mga patakaran sa paggamit, pagpapakita, at wastong paggalang sa pambansang watawat, awit, at iba pang simbolo ng Pilipinas.

Samantala, sa ilalim ng temang “Tapat sa Watawat”, nagwaging 1st Place si Jeff Andrew Estabillo at nakamit naman ni Ralz Jerome Taberao and 2nd Place sa ginanap na poster making contest.

#BaliwagCity

#IndependenceDay2024