Narito na ang pinakahihintay na taunang Free Sports Activities and Art/Voice Workshop na handog ni City Mayor Ferdie V. Estrella, para sa mga kabataang Baliwagenyong edad 6-12 taong gulang, na inaasahang magsisimula sa darating na ika-8 ng Hunyo.

Kabilang sa mga inihandang aktibidad ay ang basketball, badminton, combat aikido, swimming, table tennis, taekwondo, tennis, volleyball, at art and voice workshops na paniguradong hahasa sa kanilang mga natatanging kakayahan.

Ayon sa Baliwag City Sports Development Office (SDO), sa kasalukuyan ay nakapagtala na sila ng mahigit 400 bilang ng mga kabataang nagpalista sa kanilang free registration na ginanap noong ika-2 ng Hunyo sa Baliwag Star Arena.

Ang Baliwagenyo Kids Laro at Likha ay isinakatuparan upang mas maging kapana-panapik at makabuluhan ang bakasyon ng mga kabataang Baliwagenyo.

Narito ang schedule para sa Laro at Likha 2024.