Sumabak sa bigay-todong hatawan ang mga Baliwagenyong nakilahok sa patimpalak ng 2024 Grand ZumBaliwag mula sa iba’t ibang barangay sa lungsod noong ika-30 ng Mayo, na ginanap sa Baliwag Star Arena.

Hindi nagpahuli ang bawat kalahok sa kanilang iba’t ibang paandar sa inihanda nilang zumba performances. Suot ang kanilang makukulay na costumes, sama-sama silang umindak at nagpakitang-gilas sa pagsayaw ng zumba.

Sa pagtatapos ng patimpalak, pinangunahan ni Baliwag City Social Welfare and Development Office (CSWDO) Head Mr. Gerard Mhel M. Tolentino ang pagpaparangal sa mga nagwagi kung saan ay itinanghal na 1st place ang Brgy. Pinagbarilan, 2nd place ang Brgy. Tangos, at nakamit naman ng Brgy. Pagala ang ikatlong pwesto.