Sa pamamagitan ng tanggapan ni Senator Joel Villanueva, matagumpay na isinagawa ang orientation para sa Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) na nilahukan ng apat na daang (400) benepisyaryo, na ginanap sa Sto. Cristo Covered Court nitong ika-13 ng Hunyo.
Pinangunahan ni Ms. Raquel Surio, TUPAD coordinator mula sa Department of Labor and Employment (DOLE), ang talakayan kung saan ipinaliwanag niya ang mga kwalipikasyon upang maging isang TUPAD beneficiary. Ayon kay Ms. Surio, ang mga benepisyaryo ay maaaring maging bahagi ng mga proyektong tulad ng paglilinis sa gilid ng kalsada, mga pampublikong lugar, at mga ilog o coastal areas. Kabilang din dito ang paghahanda ng lupa para sa pagtatanim ng mga punla, pagtatanim at pagbubunot ng damo, pagpipintura ng mga pampublikong paaralan, barangay, parke, o mga pampublikong kalsada, at mga simpleng pag-aayos ng mga health centers at mga tulay.
Bukod dito, tinalakay rin ang mga mahahalagang paalala tungkol sa mga kinakailangang dokumento at ang proseso ng pagsusumite ng mga accomplishment reports.
Layon ng programang ito ang makapagbigay ng pansamantalang pagkakakitaan sa mga Baliwagenyo na nasa impormal na sector na nawalan ng trabaho o hanapbuhay. Ang mga benepisyaryo at tatanggap ng minimum wage sa Bulacan na P500.00 kada araw o kabuuang P 5,000.00 kapalit ng paglilinis sa kanilang barangay sa loob ng sampung (10) araw.
Muli, nagpapasalamat po tayo kay Senator Joel Villanueva sa paglalaan ng pondo para sa TUPAD na handog sa mga Baliwagenyo.
#BaliwagCity
#BaliwagTUPAD
#SerbisyongMayMalasakit