Bilang pagsuporta sa hanapbuhay ng mga Baliwagenyo disadvantaged workers, isinagawa ng Department of Labor and Employment (DOLE) Bulacan ang isang orientation para sa 38 benepisyaryo ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) program, noong March 17 sa Conference Room, 2/F Annex Building, Baliwag City Hall.

Ipinaliwanag ni Ms. Melanie Nario mula sa DOLE-Bulacan ang mahahalagang probisyon ng Department Order No. 239-23, kabilang ang tamang proseso ng trabaho, benepisyo, at mga responsibilidad ng mga benepisyaryo.

Layunin ng orientation na tiyakin ang tamang pagsunod sa mga alituntunin ng programa, maprotektahan ang mga manggagawa, at masigurong epektibo ang implementasyon ng TUPAD sa lungsod.

Sa pangunguna ni Mayor Ferdie Estrella, patuloy ang Pamahalaang Lungsod ng Baliwag sa pagsuporta sa mga programang makapag-aangat sa pamumuhay ng mga Baliwagenyong nabibilang sa marginalized sector.

#BaliwagCity
#TUPADOrientation